Basketball Star Player Ray Parks Jr., magpapahinga muna sa laro

Pansamantalang magpapahinga muna sa laro si PBA Star Ray Parks Jr.

Ito’y makaraang makatanggap siya ng kaliwa’t kanang pambabatikos matapos tanggihan niya ang alok ng TNT Tropang Giga na contract renewal.

Sa isang panayam, kinumpirma ni Parks na iiwas muna siya sa mga isyu at sa laro dahil pinalalabas umano siyang masamang tao dulot ng nasabing pangyayari.


Ayon pa kay Parks, natatakot siya dahil baka lalong sumama ang pakiramdam ng kanyang ina na nagpapagaling sa Los Angeles kapag nalaman ang pamba-bash na inaabot niya sa mga fans sa social media.

Matatandaan, humiling umano ng “leave of absence” si Parks sa TNT at sinabing nasa L.A siya.

Pero, nalaman ang sinasabing pagsisinungaling nito dahil nakabakasyon lamang ito sa La Union at wala sa Amerika.

Facebook Comments