Basta Trabaho, tutok lang sa DZXL 558, Radyo Trabaho

Noong Agosto 28, 2018, inilunsad ang Radyo Trabaho, ang inyong gabay sa
hanapbuhay, sa DZXL 558 Manila. Ang Radyo Trabaho ay serbisyong publiko
hatid ng DZXL 558 na makatulong sa pagbibigay ng marangal na trabaho ang
bawat pilipino.

Sa pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office [PESO] Makati
At Department of Labor and Employment (DOLE-NCR), naging matagumpay ang
Kauna-unahang DZXL Radyo Trabaho Mini Job Fair na isinagawa sa dDZXL RMN
Manila, Guadalupe Commercial Complex (GCC), Makati city noon Marso 25,
2019.

Mahigit isang libong job opportunities ang alok sa mga pursigidong
aplikante gaya ng sales staff, client care specialist, project engineer,
HR officer, social media marketing staff, construction supervisor and
manager, electrician, welder, driver at iba pa.


Samantala, umabot naman sa labindalawang aplikante ang na-hire on the
spot bilang mga service crew, production staff, data encoder at driver
at receptionist.

Mula 9:00 hanggang 12:00, lunes hanggang biyernes, mapapakinggan ang mga
programang Centro Serbisyo, Meet the Boss at Usapang Trabaho gayundin
ang segment na Job Openings.

Dahil sa Radyo Trabaho, Walang Persolanan, Trabaho lang.

Facebook Comments