Baste Duterte, naghain na ng COC para sa vice mayoralty sa Davao City

Naghain na ng certificate of candidacy (COC) para sa pagka-bise alkalde ng Davao City si Sebastian “Baste” Duterte.

Alas 11:30 kaninang umaga nang magtungo sa opisina ng Commission on Elections (Comelec) sa Davao City ang presidential son.

Si Baste, na kasalukuyang vice mayor ng lungsod ay tatakbo sa kaparehong posisyon sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago, ang partidong itinatag ng kapatid niyang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.


Una nang naghain ng COC para sa reelection sa Davao City si Mayor Sara.

Pero sinabi rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbong pangulo ng bansa ang presidential daughter kung saan makaka-tandem niya si Senador Bong Go.

Facebook Comments