Bastos na pananalita ni Sec. Andanar sa mga pinoy sa UK, biro lang

Manila, Philippines – Nagbibiro lang, ito ang naging dahilan ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar matapos siyang ulanin ng batikos matapos ng kanyang malaswang salita sa harap ng mga pinoy na nakabase sa United Kingdom kaugnay ng pakikialam umano ng European Union sa panloob na problema ng bansa.
Paliwanag ni Andanar, biro lamang ito dahil ang mga nasa pagtitipon ay mga ka DDS at mga kaibigan.
Sinabi din naman ni Andanar na ang kanyag pinatutukuyan ay hindi partikular sa EU kundi ilang organisasyon sa Europa.
Matatandaan na sa pagsasalita ni Andanar sa UK ay sinabi nito na maiingay ang ilang EU organizations pero wala namang napatunayan at marahil ay kulang lang ang mga ito sa sex.
No Comment naman si Andanar sa balita na pinagbibitiw siya sa kanyang posisyon ni Akbayan Representative Tom Villarin dahil narin sa kanyang bastos na pananalita sa UK.

Facebook Comments