Bastos na public servants, hindi deserve ng publiko – VP Robredo

Hindi nararapat para sa publiko ang makatanggap ng mga bastos na pahayag mula sa public officials.

Matatandaang sinabi ni Robredo na mas nakatuon ang pamahalaan sa “propaganda” sa halip na ayusin ang pagtugon sa pandemya, bagay na kinontra ng Malacañang.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, ikinalulungkot ni Robredo na kailangang magtiis ng publiko sa mga government officials na dinidipensahan ang kanilang sarili mula sa kanyang mga pahayag sa pamamagitan ng pagiging bastos at arogante.


“Kung kailangang magdepensa, magdepansa. Pero yung klase ng pagdedepensa nakakalungkot, kasi ito na ba yung klase ng public servants natin. Ako lang, para sa akin, hindi naman natin dini-deserve na yung mga public servants natin mga bastos, hindi natin dini-deserve na ubod ng yabang,” sabi ni Robredo.

Dagdag pa ni Robredo, kaya siya binabanatan dahil ayaw tanggapin ng mga kritiko ang natatanggap din nilang kritisismo.

“Lagi naman. Kaya tayo nagkakaganito kasi walang acceptance ng kakulangan,” dagdag  ng Bise Presidente.

Iginiit ni Robredo na walang mali sa kanyang sinabi at hindi rin siya nag-iimbento ng datos.

Facebook Comments