Basura, dahilan pa rin ng pagbaha matapos ang biglaang pagbuhos ng ulan sa Quezon City kahapon

Muling hiniling ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa publiko ang tamang pagtatapon ng basura.

Kasunod na rin ito ng pagbaha kahapon sa ilang bahagi ng Quezon City dahil sa mga bumabarang basura sa drainage system sa lugar.

Ayon sa MMDA, balewala ang pagsasaayos ng mga drainage at pagsasagawa ng mga clean-up drive at declogging operations kung patuloy pa rin ang pagtatapon ng mga basura.

Ito pa rin kasi ang bumabara sa mga daluyang tubig na nagiging sanhi ng pagbaha tuwing umuulan.

Facebook Comments