Nagtipon-tipon ang mga miyembro ng Ecowaste Coalition sa labad ng Manila North Cemetery upang ipanawagan ang Basura-free Undas 2023.
Giit ng grupo, maging responsable sana ang publilo hinggil sa tamang pagtatapon ng basura sa pagtungo sa mga sementeryo.
Batid ng Ecowaste Coalition na milyun-milyong indibidwal ang tutungo sa mga sementeryo, memorial park at kolumbaryo kaya’t posibleng sangkaterbang basura ang inaasahan na mahahakot.
Payo pa ng grupo, maiging bumili ng kandila na lead-free na hindi nagdudulot ng itim na usok at mga sariwang bulaklak sa halip na plastic.
Maging ang lagayan o gagamitin sa pagkain na dadalhin ay maiging reusable kung saan sakto o tama lamang ang bitbitin upang walang masayang at itatapon.
Ilagay rin sa bayong at huwag sa plastic ang mga dadalhin gamit upang hindi na ito kailangan pang itapon kung saan-saan.
Maging reponsable rin sana ang publiko sa tamang paghihiwalay at pagtatapon ng basura partikular ang mga recyclable material.