Huwag na munang itapon, baka magawan pa ng solusyon!
Ang mga gamit na akala natin ay patapon na, kayang kaya pang ayusin at gawing kapaki-pakinabang.
Katuwang ang Municipal Environment and Natural Resources Office, ang mga mga estudyante mula sa Umingan, Pangasinan ay nakagawa ng mga “wonderful creations” mula sa mga bagay na patapon na.
Ang mga naturang estudyante ay mula sa Lapaz National High School, Maseil-seil National High School, at Alo-o National High School.
Gamit ang mga lumang metalic foil, papel, plastic bottles, at iba pa ay nakagawa sila ng Pencil Holder na mayroong Bonsai bilang disenyo.
Sa bawat detalye ng mga Pencil Holder na may upcycled Bonsai, tila nakaukit rin ang magandang hinaharap ng mga nasabing estudyante dahil na rin sa kanilang pagkamalikhain na sinamahan pa ng pagmamahal at kalinga sa kalikasan.
Ang simpleng paraan ng pag upcycle ng mga lumang kagamitan ay isang hakbang lamang upang makatulong na mabawasan ang basura sa kapaligaran, kaya naman patuloy na hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Umingan ang bawat isa, na ipalaganap ang environmental awareness sa buong komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










