Manila, Philippines – Umabot sa 1,356 cubic meters na mga basura ang nahakot sa mga aktibidad ng Itim na Nazareno mula December 30 hanggang January 10.
Ayon kay Department of Public Service Manila Bella Borromeo David, mas kaunti ito kaysa sa 1798 cubic meters na basura na nahakot sa kaparehong panahon noong 2017-2018.
Aniya, ang pinakamaraming nakolektang basura ay mula alas-5 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi ng Enero 9 mula Quirino Grandstand hanggang sa mga ruta ng Traslacion.
Facebook Comments