Nagkalat ang mga basura sa baybayin ng Lingayen Beach matapos ang Holiday break. Sa kabila ng mga paalala mula sa pamahalaang panlalawigan at mga tagapaglinis ng lugar, maraming bisita ang nag-iwan ng kanilang kalat.
Ilan lamang sa mga iniwang Kalat ng mga bumisita sa lugar ay ang mga plastic bottle, plastic bag, mga styro cups, paper plates, at iba pa.
Patuloy ang panawagan ng mga awtoridad na itapon ang basura sa tamang lalagyan o dalhin ito pauwi upang mapanatili ang kalinisan ng lugar.
Regular naman ang paglilinis sa baybayin upang maiwasang maanod pa sa baybayin.
Nanawagan din sila sa publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan ng Lingayen Beach upang mapanatili ang kagandahan nito at maiwasan ang negatibong epekto sa kapaligiran. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨