Basura ng Canada na itinambak sa Pilipinas, maibabalik na ngayong araw

Tuloy na tuloy na ang pagbabalik ng mga basura sa Canada ngayong araw.

Ayon kay Subic Bay Metropolitan Administration Chairperson Wilma Eisma – handa na ang 69 na container ng mga basura.

Mamayang ala una ng hapon darating ang MV Bavaria, ang barkong pagkakargahan ng mga basura habang alas tres ng hapon ito inaasahang aalis.


Aabot naman sa sampung milyong piso ang gastos sa reshipment ng mga container mula Maynila hanggang Vancouver.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra na tumatayo ngayong caretaker ng bansa dapat na sagutin ng Canadian government ang gastos sa pagbabalik ng mga basura.

Bukod dito, may P139 million pa na multa ang Canada dahil sa matagal na pananatili ng mga container ng basura sa Subic Bay International Terminal.

Tatalakayin ng Inter-Agency Task Force ng Pilipinas ang mga detalye ng paniningil sa mga babayarang multa ng Canada oras na matapos ang re-exportation ng mga basura.

Facebook Comments