Itutuloy pa rin ng pamahalaan ang paghahakot at pagpapadala ng tone-toneladang basura na galing sa Canada.
Ito ang sinabi ng Malacañan sa harap ng balita na nakapili na ang Canadian government ng shipping company na siyang maghahakot at magbabalik ng mga basura sa kanilang bansa na gagawin hanggang sa katapusan ng buwan ng Hunyo.
Sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, natatagalan sila sa timeline na inilatag ng Canadian government kaya itutuloy pa rin ng pamahalaan ang pagpapadala ng mga basura at sasagutin ang gastos para rito.
Sa oras aniya na makakita na ang gobyerno ng kumpanya na maghahakot ng mga basura ay agad itong ipapadala sa Canada at hindi aniya ito aabutin ng hanggang katapusan ng Hunyo.
Facebook Comments