Agad na nilinisan ng mga street sweepers sa Dagupan City ang mga naiwang basura sa mga pangunahing kakalsadahan matapos ang pagsalubong sa bagong taon.
Madaling araw pa lang, nagwawalis na ang mga personnel ng matapos ang napakaabalang araw sa lungsod mula sa dagsa ng mamimili noong bisperas na nag-iwan ng maraming kalat sa pamilihan hanggang sa mga tira-tirang bahagi ng paputok noong salubong.
Mainam din umano na agad na malinisan ang mga kalat upang hindi maging sagabal sa mga motorista at maiwasan ang disgrasyang pwedeng maidulot sa oras na mapabayaang nakatiwangwang ang mga basura sa daan.
Samantala, patuloy na nakaantabay ang hanay ng pulisya sa gitna ng kakalsadahan upang tiyakin na mapanatiling maging matiwasay ng paligid hanggang matapos ang holidays.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










