BASURA SA LINGAYEN BEACH AT CAPITOL, PATULOY NA NAGKAKALAT SA KABILA NG MGA PAALALA

Sa kabila ng patuloy na paalala ng mga awtoridad ukol sa disiplina sa kalinisan, nananatiling suliranin ang nagkakalat na basura sa Lingayen Beach at Capitol Grounds.
Ang pagtaas ng bilang ng mga bisita, dulot ng mga pailaw at foodstrip na atraksyon, ay nagdulot din ng pagdami ng mga basurang iniiwan ng ilan sa paligid.
Bagamat may sapat na mga basurahang inilaan sa mga lugar, marami pa rin ang hindi nagtatapon nang wasto.
Patuloy naman ang pagsusumikap ng mga street sweeper upang mapanatiling malinis ang mga lugar, lalo na’t inaasahan pa ang mas maraming bisita habang papalapit ang Pasko.
Matatandaan na sa pagsisimula ng foodstrip sa Baywalk ay kasabay rin ng paalala ng Pamahalaang Panlalawigan na panatilihing malinis ang lugar upang maiwasang mapunta ang mga basura sa dagat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments