BASURA | Sangkaterbang kalat, iniwan ng mga deboto ng itim na Nazareno

Manila, Philippines – Nag-iwan ng sangkaterbang basura ang prusisyon ng itim na Nazareno sa paligid ng Quiapo church at maging sa mga dinaanan ng Andas.

Ito ay mula sa mga deboto ng Poong Nazareno na nakiisa sa Traslacion 2018.

Kapansin-pansin na ang malaking bahagi ng basura ay mga plastik, basyo ng mineral water, styro foam, balat ng candy, stick mula sa street foods, cigarette butts at iba pa.


Wala namang pagod ang mga tauhan ng MMDA at lokal na pamahalaan sa pagwawalis ng kalat na iniwan ng mga deboto.

Kada taon, hindi nabibigo ang pamahalaan at iba pang environmentalist group na paalalahanan ang mga deboto na wag magkalat sa prusisyon pero tulad ng traslacion tila tradisyon narin ang pagkakalat ng mga deboto tuwing pista ng itim na Nazareno.

Facebook Comments