Basura, sanhi pa rin ng pagbaha sa mga lansangan sa Kamaynilaan — MMDA

Basura pa rin ang pangunahing sanhi ng pagbahang nararanasan sa mga pangunahing kalsada sa Kamaynilaan tuwing umuulan.

Sa panayam ng DZXL News, sinabi ni Director Mark Navarro ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Flood Control and Sewerage Management Office na malimit na pagkatapos ng pag-ulan ay tumatamdad sa kanila ang tambak na basura na tinatangay ng tubig baha.

Isa rin aniya ito sa dahilan ng pagbabara ng kanilang mga pumping station kaya mabagal ang paghupa ng tubig na naiipon sa mga kalsada.

Kaugnay nito, sinabi ni Navarro na isinulong nila ang bayanihan katuwang ang mga local government unit at ibang sektor ng komunidad laban sa pagtatapon ng basura.

Sinabi rin ni Navarro na ikinasa na nila ang 50-year drainage master plan para solusyunan ang matagal nang problema sa pagbaha sa Metro Manila.

Pinawi naman ni Navarro ang pagdududa na isa sa sanhi ng pagbaha ang Dolomite Beach dahil bago pa aniya simulan ang proyekto ay napag-planuhan na rin ang magiging epekto nito.

Facebook Comments