Tinatayang katumbas ng isa at kalahating taon ang basurang dinala ng Bagyong Ulysses sa Marikina City.
Ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, aabot sa 980,000 cubic meters ang katumbas ng mga basurang napunta sa lungsod.
Aniya, bagamat labing-dalawang araw ang ginugol para linisin ang buong lungsod, hindi pa rin ito sapat para malinis ang lahat ng dumi at basura.
Kasabay nito, muli namang ipinanawagan ng mayor ang rehabilitasyon ng Marikina Watershed para tuluyang malinis ang lugar matapos ang pananalasa ng mga nagdaang bagyo.
Sa ngayon, aabot na sa halos 90% ng mga residente ang pinauwi ng Marikina City Local Government sa kanilang mga tahanan matapos na lumikas dahil sa pagbaha.
Facebook Comments