Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na maibabalik na sa Canada ang tinapon nilang mga basura sa bansa.
Sa official Twitter account ni Locsin sinabi nitong hinihintay na lamang ang mga dokumento at “routine permission” mula China para sa transshipment ng mga imported na basura pabalik sa Canada.
Ayon pa kay Locsin ang mga containers na naglalaman ng mga basura ay malinis at handa nang ibalik sa Canada sa katapusan ng bwan o sa May 30.
Matatandaang dumating by batch sa bansa nuong 2013 hanggang 2014 ang 103 container vans na naglalaman ng pinaghalong basura galing Canada, kasama ang mga household at hazradous waste
Ito din ang dahilan kung bakit pinauwi ng bansa ni Sec Locsin si Philippine Ambassador to Canada Petronila Garcia at ilang kinatawan ng bansa dahil sa kabiguan ng Canada na sumunod sa May 15 deadline na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte para hakutin ang mga basura.