Basurang nahakot noong Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno, mas mababa kumpara noong nakaraang taon

Mas kakaunti lamang na basura ang nahakot sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno ngayong taon kumpara sa nakalipas na mga panahon.

Ito’y base sa inilabas na Traslacion 2021 report ng Manila Department of Public Services (DPS).

Sa nasabing garbage collection report, umabot lamang sa 42 truckloads ang nahakot na basura sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno kumpara noong 2020 na mayroong 68 truckloads at 99 naman noong 2019.


Ayon pa sa DPS, ang kabuuang volume garbage collection ay simula noong January 8 hanggang 10, 2021.

Umabot lamang sa 110 metric tons ang basurang nakolekta ngayong Translacion 2021 na mas mababa sa 2020 garbage collection na nasa 330.3 metric tons.

Kakaunti lang din ang idineploy na tauhan ng DPS ngayong taon na nasa 600 lamang kumapara noong nakaraag taon kung saan nagpakalat sila ng 624 na tauhan para maglinis sa mga Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno.

Facebook Comments