Bata kinagat ng daga sa loob ng sinehan

Courtesy Facebook/Kenjie Jalagpas

Kumakalat ngayon sa Facebook ang litrato ng batang di umano’y nakagat ng daga sa isang mall sa Iloilo City.

Kuwento ni Kenjie Jalagpas, nangyari ang insidente nitong Miyerkules, ilang minuto bago magsimula ang pelikulang papanoorin.

“Look what happened just a few minutes bago mag start yung movie! Yung bata sa harap ko biglang sumigaw at may narinig kaming daga na parang naiipit. Kinagat na pala yung bata! Pinagbabawalan nyo yung outside food pero yung mga peste hinahayaan nyo!? Kadiri! I hope OK lng yung bata. Nako lagot kayo sa Parents nyan!”


Base sa tagged location ng netizen, naganap ito sa Cinema 5 ng SM Iloilo.

Hindi masikmura ng ilang social media users ang sinapit ng kaawa-awang paslit. Mungkahi ng iba, mas magandang manood ng pelikula sa ibang sinehan.

Sa inilabas na pahayag ng SM Cinema, nagpadala sila ng Emergency Response Team para sa paunang lunas. Agad tinakbo ang bata sa pinakamalapit na pagamutan.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pamunuan ang nasabing pangyayari.

 

 

Facebook Comments