Bata kririkal ng mahulog sa sinasakyang motorsiklo sa Makilala North Cotabato

15

Kritikal ngayon ang kondisyon ng isang onse anyos na bata ng mahulog sa sinasakyang motorsiklo linggo ng gabi sa sitio Malaang, barangay Saguing, sa bayan ng Makilala North Cotabato.
Kinilala ang batang naaksidente na si Gabriel Tamon Arapol, Grade 6 pupil, residente ng Blk 6, Lot 4, Apo Sandawa Homes Phase 1, lungsod ng Kidapawan..
Nakasakay si Gabriel sa isang Honda motorcycle na minamaneho ng kanyang amang si Noriel Arapol, 37 anyos subalit pagsapit sa pakurbang bahagi ng kalsada ng itoy mahagip ng sumusunod na motorsiklo. Sa report ay parehong patungo sa Kidapawan City ang dalawang motorsiklo. Napuruhan ang likurang bahagi ng motorsiklo kung saan nakaupo ang bata at tumilapon at magtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan at ulo ang biktima.
Kritikal pa rin ang kalagayan ni Gabriel habang nasa pagamutan.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments