Bata na Edad 5 Pataas, Hindi pa rin papayagang Lumabas sa Cauayan City

Cauayan City, Isabela- Hindi pa rin pahihintulutan ng lokal na pamahalaan ng Cauayan City ang paglabas ng mga batang nasa edad 5 pataas sa mga nasa GCQ at MGCQ areas sa bansa.

Ito ay sa kabila ng anunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque kaugnay sa pagbibigay pahintulot ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor Bernard Dy, nakatakdang balangkasin ang guidelines o panuntunan sa kanilang gagawing pagpupulong sa susunod na linggo.


Ibig sabihin ay mahigpit pa rin na ipag-uutos ang hindi pagpapalabas sa mga bata dahil sa banta ng COVID-19 virus.

Ayon pa kay Mayor Dy, mandato pa rin naman ng bawat LGU ang ibinabang desisyon kung susundin ito kaya’t makikipag-ugnayan rin ang opisyal sa mga health authorities ng City Health Office ukol dito.

Pag-aaralan rin umano ang ordinansang nakapaloob sa curfew hours dahil kaakibat nito usapin sa edad ng mga batang posibleng payagan sa labas.

Gayunman, pabor naman ang alkalde sa nasabing guidelines ng IATF dahil matagal-tagal na ring hindi nakakalabas ng bahay ang mga kabataan dahil sa pandemya.

Para kay Dy, hindi basta basehan ang figure o bilang ng mga tinatamaan ng virus sa lungsod dahil kailangan pa ring isaalang-alang at isipin na hindi dapat magpakampante.

Facebook Comments