
[Babala: Sensitibong Balita]
Natagpuan na ang bangkay ng siyam na taong gulang na batang babae na nawawala mula Miyerkules, Setyembre 10, nang magbaha sa Barangay Pugaan, Iligan City.
Nakita ito ng mga residente bandang 12:00 ng tanghali kahapon, Setyembre 11.
Ayon kay Barangay Kapitan Roger Cobong sa RMN DXIC Iligan, nakilala niya ang bata na natagpuan sa baybayin ng Kilumco Camague sa Barangay Tubod.
May sugat sa noo ang bata at malapit na umano itong mabulok nang matagpuan.
Napag-alaman na pauwi na ang bata mula sa eskwela nang siya ay nadala ng malakas na baha.
Sinubukan pa siyang tulungan ng mga kasama pero hindi ito napiglan dahil sa lakas ng tubig.
Nakita rin sa lugar ang mga damit, tsinelas, pajama, at bag ng bata.
Dinala na sa isang punerarya ang bangkay ng nasabing bata.








