Bata nabundol patay

Patay ang 4 anyos na batang babae matapos mabundol ng isang Toyota BB Hatchback pasado alas 9 kahapon ng umaga sa Santos Area sa Cotabato City.
Sa impormasyon mula sa Traffic Management Unit Chief SINS Rowell Zafra minamaneho ng 39 anyos na lalaki ang Toyota BB tinatahak ang Krislaville Area ng biglang aksidenteng mabundol ang ang tumatawid na bata.
Sa sobrang lakas ay tumilapon pa ng halos 10 feet ang bata mula sa kanyang kinalalagyan, agad pang isinugod ng nakabundol na driver ang bata sa CRMC ngunit di na nagawang maisalba pa.
Sinasabing nagkaayos na ang pamilya ng nasawing bata at pamilya ng nakabundol.

Facebook Comments