Bata nahulog mula sa topload ng towace, patay

Patay ang onse anyos na bata matapos mahulog mula sa sinasakyang passenger town ace sa bahagi ng Sultan Kudarat Maguindanao pasado alas nwebe kahapon ng umaga.

Sinasabing nakaupo sa plywood na nasa topload ang biktimang nakilalang si Asabor Mamangkua, grade 6 pupil at residente ng Pigcalagan.

Habang nasa bahagi ng Km 16 ng Brgy. Ladia bigla umanong tinangay ng malakas na hangin ang plywood na nasa topload at kasamang tumilapon ang bata sa kalsada sa impormasyong nakuha ng DXMY mula kay SK traffic investigator PO3 Mujeeb Sepi.


Naideklara namang dead on arrival sa isang ospital sa Pigcawayan, North Cotabato ang biktima.

Napag alamang minamaneho ni Abdullah Landasan ang passenger townace na sinasabing pagmamay ari lamang din ng mga magulang ng bata.( DENNIS ARCON)

PIC: for illustration purposes only GOOGLE PIC

Facebook Comments