Bata, naiwan sa loob ng bahay kasama ang bangkay ng inang pumanaw dahil sa coronavirus

20716
(Unsplash)

GEORGIA – Bangkay na nang matagpuan ang 42-anyos na ginang sa loob ng kanyang bahay kasama ang kanyang anak na nasa 4 o 5-taong-gulang.

Ayon sa report ng Atlanta Journal-Constitution, ang hindi pinangalanang ginang ay patay na sa loob ng 12 hanggang 16 oras bago madiskubre ang kanyang bangkay.


Mayroon daw welfare check noong Huwebes kaya nakita ang wala ng buhay na babae sa kanyang bahay sa Coweta County kasama ang kanyang anak.

Nakumpirma na nasawi ang babae dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) lalo pa’t isa itong mammogram technician sa Piedmont Newnan Hospital.

Hindi pa rin malinaw kung paano nahawa ng virus ang ginang.

Inaalam naman kung nahawa ng sakit ang bata na ilang oras nakasama ang bangkay ng kanyang nanay.

Facebook Comments