Nasawi ang isang limang taong gulang na bata matapos itong makuryente sa isang transient house sa Bolinao, Pangasinan.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Bolinao Police Station PMSG Gene Sanchez Jr. nagbakasyon ang mga kaanak ng biktima na mula pa sa Mandaluyong City.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nahulog ang bata habang nakaupo ang bata sa likurang bahagi ng pinaglagiang transient house.
Ani Sanchez, nagkataon ding patay-sindi ang kuryente sa naturang bahagi noong araw na iyon.
Nang ipaandar ang generator ng kabilang transient house, ang connecting wire nito ay nagkataong naroroon kung saan bumagsak ang bata. Dito na nito aksidenteng nahawakan ang wire pagkasindi mismo ng generator at sa kasamaang palad ay nakuryente.
Ayon sa pulisya, nag-usap usap na umano ang mga kawani ng naturang pasyalan at kaanak ng biktima. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments