Bata nalunod habang naliligo sa Kalanganan 2

Isang dalawang taon at siyam na buwang batang babae ang nalunod habang naliligo sa sito buaya-buaya barangay Kalanganan 2 cot.city.Kinilala ang biktima sa pangalang Nairah Suwaib Ali na residente sa lugar.
Ayon sa report ng kanyang tiyahin nasi Armaya Ali, dakong alas 2:30 ng hapon ng huli nilang makita ang bata na naliligo sa ilog kasama ang tiyuhin, Nag ahon na umano ang dalawa ngunit batid sa kanilang kaalaman na bumalik pala ang bata sa ilog.
alas kwatro ng hapon ng makumpirma nilang nawawala ang bata kayat duda nila na baka nalunod ito sa ilog…Kagaad na nagsagawa ng paghahanap kasama ang PP3 ni PCI Rustom Pastolero at 5th Special Forces sa tamontakla river subalit bigo silang makita ito hanggang gumabi na.
Posibleng inanod ang bata papunta sa dagat dahil mababa na raw ang tubig ng mangyari ang pagkalunod…Sa ngayon patuloy parin ang paghahanap sa bata ng kinauukulan.

Facebook Comments