Bata, nalunod sa isang resort sa Laguna na umano’y tumatanggap ng bisita kahit GCQ pa

Patay ang isang 5-anyos na babae matapos malunod sa isang resort sa Laguna na umano’y nagbubukas kahit nasa ilalim pa ng general community quarantine ang lungsod.

Ipinasara ng lokal na pamahalaan ang Montepico Hidden Springs Resort and Spa nang masawi ang biktima noong Martes dahil sa paglabag ng resort sa quarantine guidelines.

Sa pahayag ng head ng public order and safety office ng LGU, Jeff Rodriguez hindi sumunod ang may-ari ng resort sa mga ibinabang alituntunin dahil sa pagtanggap ng bisita kahit bawal pa.


Ayon sa ulat, naisugod pa raw sa ospital ang bata ngunit idineklara ring dead on arrival.

Mahaharap naman sa kasong kriminal ang may-ari, manager at caretaker at naireport na maaari ring mabawi ang business permit ng naturang resort.

Patuloy pang iniimbestigahan kung posibleng nago-operate ang establisyemento kahit nakasailalim sa lockdown ang lungsod.

Tinitingnan din ng kung may iba pang ressort na palihim na tumatanggap ng bisita sa lugar.

Facebook Comments