BATA, NASAGASAAN NG PICK-UP TRUCK SA SAN JACINTO, PANGASINAN

Nasa maayos nang kalagayan ang limang taong gulang na bata matapos itong masagasaan at magulungan ng pick-up truck sa San Jacinto, Pangasinan.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay PMaj. Napoleon R, Velasco Jr., ang Chief-of-Police ng San Jacinto Police Station, habang binabagtas ng 62 anyos na driver ang kahabaan ng Brgy. San Vicente, bigla na lamang tumawid ang bata.
Ayon kay Velasco, mayroon nang nakahandang kaso na isasampa laban sa driver kung itutuloy ito ng pamilya ng bata.
Sa ngayon, unti-unti na umanong nakakarecover ang bata at araw-araw ding dinadalaw sa ospital, at nagbibigay ng pinansyal na tulong at iba pa ang nasangkot na driver.
Paalala ni Velasco sa mga magulang ang pagbabantay sa mga batang anak, huwag pabayaang tumawid tawid upang makaiwas sa anumang insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments