Isang limang taong gulang na bata ang nasagi ng motor habang tumatawid sa kalsada sa San Nicolas, ayon sa ulat ng pulisya.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang motor ay minamaneho ng isang menor de edad, habang angkas nito ang isang 22-anyos na backrider na kapwa residente ng nasabing bayan.
Habang binabagtas nila ang kalsada patungo sa town proper, dito nila natamaan ang bata.
Napag-alamang parehong walang suot na helmet at walang lisensya ang driver at angkas nito.
Nawalan din ng kontrol sa manibela ang menor de edad na driver, dahilan upang matumba ang motor at magtamo ng mga sugat.
Dinala sa pagamutan ang bata at ang mga sakay ng motor upang mabigyan ng agarang lunas. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments