Manila, Philippines – Bangkay na nang matagpuan ang bata na nahulog noong Lunes sa kanal na pinabayaan ng barangay na walang takip sa Caloocan City.
Natagpuan na lumobo na ang mukha at wala nang damit ang bangkay ng 9-anyos na si Cheyen Fernandez, sa ilog ng barangay Prenza 2 sa Marilao, Bulacan.
Paliwanag ni police senior inspector Ed Tongol, deputy station commander ng Marilao PNP, isang catch basin ang Marilao dahil mas mataas ang level ng tubig ng Caloocan kumpara sa lugar, kung kaya’t lahat ng tubig na nagmumula sa kailugan ng Caloocan ay sa Marilao ang bagsak.
Si Cheyen ay nahulog sa kanal na walang takip sa camarin, caloocan sa kasagsagan ng ulan noong lunes ng hapon kung saan naglalakad pa sila ng kanyang kuya na si JM galing sa eskwelahan.
Sinubukan pang iligtas ng kuya ang bata pero sadya raw malakas ang agos.
Sa ngayon, pansamanatala munang tinakpan ng barangay ang butas habang wala pa silang budget sa pagpapagawa nito.
Bata patay, matapos mahulog sa kanal sa Caloocan City
Facebook Comments