BATA SA BAYAN NG CALASIAO, NALUNOD SA BAHA, PATAY

59

Patay ang tatlong taong gulang na batang babae matapos nitong malunod sa baha sa bahagi ng Brgy. Poblacion West, Calasiao.

Nakilala ang biktima na si Sophia May Episcope, tatlong taong gulang at residente sa lugar.


Lumalabas sa imbestigasyon ng Calasiao PNP, napansin umano ng ina ng bata na si Janice Episcope na wala na ang bata sa kanyang tabi habang natutulog kaya naman hinanap niya ito sa kanilang bahay maging sa paligid nito ngunit di nito nakita agad.

Laking gulat na lamang nito nang makita niyang nakahandusay na ang bata sa mismong baha na parang wala ng buhay.

Agad niyan kinuha ang kanyang anak at binigyan pa ng first aid kung saan agad ding itinakbo sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Facebook Comments