Bata sa UK, patay matapos makainom ng panlinis ng banyo

131
(Pexels Image)

SOUTHAMPTON, England – Patay ang 2-anyos na paslit matapos aksidenteng makainom ng toilet cleaner sa loob ng kanilang bahay.


Ayon sa report ng The Sun, nakita ng kapatid na babae ang batang si Arietta-Grace Barnett nang mangyari ang insidente kaya agad itong isinugod sa Southampton General Hospital.

Makalipas ang apat na araw na gamutan sa ay nakauwi rin naman agad ang bata.

Ngunit makaraan daw ang anim na araw, nagdugo ang ilong nito at nagsimula nang magsuka ng dugo.

Muling isinugod sa ospital si Arietta-Grace ngunit nasawi rin kinalaunan.

Samantala, patuloy pang iniimbestigahan at inaalam kung ano ang eksaktong dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Facebook Comments