Iginiit ni Senator Francis Tolentino na bigyan ng budget ang Department of National Defense (DND) para sa pagtatayo ng naval chain stations sa mga isla ng Batanes at Tawi-Tawi.
Layunin ng hakbang ni Tolentino na ma-monitor ang pagpasok ng mga dayuhang barko sa teritoryo ng bansa.
Kasunod ito ng report ukol sa dalawang warship ng China na walang abisong naglayag sa may isla ng Tawi-Tawi na na-detect lang makalipas ang ilang araw.
Sinuportahan naman agad ito Senator Ping Lacson, vice chairman ng Senate Committee on Finance, at nagdepensa sa panukalang budget ng DND para sa taong 2020.
Sa budget deliberations ng Senado ay sinabi ng dnd na 20-million pesos ang tinatayang kakailanganin para sa konstraksyon ng Naval Chain Stations at 50-million pesos naman para sa isang taong operasyon at maintenance nito.