Batanes, Balik GCQ na Simula Bukas

Cauayan City, Isabela- Muling ilalagay sa GCQ o General Community Quarantine (GCQ) ang Lalawigan ng Batanes ng isang buwan simula Nobyembre 1 hanggang 30, 2021.

Batay ito sa inilabas na Resolusyon 146-A ng National Inter Agency Task Force o IATF at ng Provincial Executive Order No. 30.

Kaugnay nito, limitado pa rin ang galaw sa pag-access ng essential goods at services.


Binabawalan din ang paglabas ng bahay ng mga nasa edad 18 pababa, mga edad 65 pataas, mga buntis at may ibang karamdaman maliban na lamang kung talagang kinakailangan at kung papasok sa mga pinapayagang magbukas na industriya at opisina.

Mahigpit pa rin na ipinagbabawal sa Lalawigan ang mass gathering o non-essential work gatherings liban lamang dito ang religious activities kung saan pinapayagan ang 30% venue capacity.

Balik na rin sa full operating capacity ang mga government services at iba pang mga pinapayagang establisyimento.

Maaari nang magbukas mula alas 6:00 ng umaga hanggang 8 ng gabi ang mga pinapayagang business establishments sa probinsya na mayroon pa rin ang pagsunod sa minimum public health standard.

Pinapayagan na rin ang indoor at outdoor non-contact sports katulad na lamang ng jogging, running, swimming, at biking.

Dagdag dito, pinapayagan ang mga inbound passenger o ang mga returning residents sa kundisyon na sila ay kukuha ng letter o certificate of acceptance mula sa tatanggap na LGU, pagrehistro sa S-PASS travel management system at mandatory quarantine pagdating sa probinsya.

Nanatili pa rin sarado ang probinsya sa mga turista.

Samantala, sasailalim din sa GCQ with heightened restrictions ang mga Lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, at Santiago City.

Facebook Comments