Cauayan City, Isabela- Binuksan na sa para sa mga turista ang probinsya ng Batanes sa kabila ng umiiral na Community Quarantine.
Ayon sa pahayag ni Governor Marilou Cayco, napagkasunduan ng Task Force Batanes na muling buksan ang turismo sa kanilang lalawigan subalit ipatutupad pa rin ang *health* standards at *safety protocols.*
Para aniya sa mga nagnanais bumisita sa Batanes, isa sa kanilang dapat sundin ay kinakailangan munang sumailalim sa 14 days quarantine bago makapunta sa mga tourist spots ng probinsya.
Inamin naman nito na marami ang mga hindi tumutuloy sa pagbisita dahil sa ibinigay na kondisyon na pagsasailalim sa 14-day quarantine.
Dahil dito, titingnan aniya ng pamahalaang panlalawigan kung ano ang mga dapat nilang gawin at ikonsidera para na rin sa unti-unting pagluluwag sa mga restrictions para sa mga turista.
Ibinahagi nito na marami sa mga mamamayan ng Batanes ang mga naapektuhan dahil sa COVID-19 pandemic kaya’t minabuti na rin nilang buksan ang turismo.