Isasailalim sa dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Batanes.
Ito ay matapos na maitala sa lalawigan ang kauna-unahang kaso ng COVID-19.
Kaninang hatinggabi nang simulang ipatupad ang pinakamahigpit na quarantine level sa Batanes na tatagal hanggang October 13.
Sa ilalim nito, limitado ang galaw ng mga residente habang mahigpit ding ipatutupad ang mga health and safety protocols sa lahat ng mga establisyimento at opisina sa probinsya.
Sa interview ng RMN Manila, tiniyak din ni Batanes Governor Marilou Cayco na tuluy-tuloy ang ginagawa nilang contact tracing simula nang maitala ang kauna-unahan nilang COVID-19 case.
Samantala, pinag-aaralan na rin ng Inter-Agency Task Force ang pagpatutupad ng mas mahigpit na quarantine measure sa Cagayan De Oro at Misamis Oriental.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., hindi nila isinasantabi ang posibilidad na tumaas pa ang kaso ng sakit sa mga nasabing lugar kasunod na rin ng pagtaas ng critical care utilization sa Northern Mindanao.