BATANES, NAGHAHANDA NA SA PAPARATING NA BAGYO

Naghahanda na ang pamahalaang panlalawigan ng Batanes sa posibleng epekto ng sama ng panahon kung pumasok ang Super Typhoon #Hinnamnor sa probinsya.

Ang #Hinnamnor ay kasalukuyang nasa labas parin ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa layong 1,485 KM East Northeast ng Extreme Northern Luzon.

Taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 kph at pagbugsong umaabot na sa 230 kph.

Kumikilos ang bagyo westward sa bilis na 30 kph.

Bukas ng gabi o sa Huwebes ng madaling araw ay inaasahang papasok na ito ng PAR at tatawaging #HenryPH ng PAGASA.

Ayon sa weather forecast ng PAGASA kaninang umaga, maaaring tumbukin ng Typhoon #Hinnamnor ang Taiwan at Batanes.

Ngunit may mababang tyansang mag landfall ito sa Pilipinas.

Ito ang pinaka unang Super Typhoon ngayong taon matapos ang #OdettePH (#Rai) noong 2021.

Pinaka una rin itong super typhoon sa bagong revised classification ng mga tropical cyclones, na inanunsyo noong March 2022.

Ang buong provincial government ng Batanes sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ay nagsimula ng magsagawa ng iba’t ibang paghahanda o preparedness measures.

Handa na rin ang mga evacuation centers at may naka preposition naring 5,000 Family Food Packs.

Inihahanda na rin ang mga heavy equipments at mga sasakyan na maaaring gamitin sa clearing at rescue operations.

Facebook Comments