Ipinakita ng batang atleta na si Lady Aj Andrea B. Cacatian ang lakas at galing ng isang Uminganian pagdating sa larangan ng Javelin Throw sa nakaraang National Batang Pinoy 2025 na ginanap sa General Santos City noong Oktubre.
Ang naturang sports event ang isa sa pinakamalalaking pagsasama-sama ng mga batang atleta sa bansa upang ipamalas ang kanilang galing sa iba’t ibang larangan ng palakasan kung saan humigit kumulang 15000 young athletes ang naging kalahok.
Nanaig ang malalakas na braso at stamina ni Lady Aj Andrea sa larangan ng Javelin Throw kaya nasungkit nito ang gintong medalya.
Dahil dito, lubos na ipinagmamalaki ng buong bayan ang tagumpay ng batang atleta dahil sa pamamayagpag ng Umingan sa buong bansa.
Samantala, pumangalawa naman kay Lady Aj Andrea ang kinatawan ng bayan ng Anda, Pangasinan na si Lovelyn Carolino at nakuha ang silver medal.
Tunay ngang magandang kinabukasan ang naghihintay para sa mga batang atleta ng Pangasinan sa patuloy na pagpapakita ng suporta at pagkilala. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









