Batang babae na muntik nang malunod sa Manila Bay, patuloy na inoobserbahan

Manila, Philippines – Patuloy na inoobserbahan ang lagay ng batang babae na muntik ng malunod sa Manila Bay kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Rhianne Janiel Soriano, grade 6 student 11 taong gulang residente ng Adriarico lungsod ng Maynila.

Ayon kay Marivic Madilas nanay ng biktima, gising na ang kanyang anak pero nananatiling nasa kritikal ang kondisyon.


Sinabi ni Marivic na nasa bahay siya ng mangyari ang aksidente at nalaman na lang sa kaibigan ng anak na nasa hospital na ito.

Nainganyo aniya ang biktima sa mga kaibigan na maligo sa Manila Bay sa paniniwalang malinis na ang dagat.

Kahapon ng umaga na-videohan pa ang insidente habang isinusugod ng MMDA ang bata sa ospital matapos muntik nang malunod.

Panagawan ni Marivic, higpitan pa ang pagbabantay sa Manila Bay para hindi na maulit sa iba ang nangyari sa kanyang anak.

Facebook Comments