Batang babae, patay sa aksidenteng pagbaril ng sariling ama sa Negros Occidental

Patay ang anim na taong gulang na batang babae matapos aksidenteng nabaril ng kanyang sariling ama sa Hacienda Paul Chang, Estado, Barangay 10, Victorias City.

Kinilala ang ama na si Randy Montifalcon, 32-anyos, at residente ng Barangay San Isidro, Calatrava.

Batay sa report ng Victorias Component Police Station, nag-iinuman si Randy kasama ang kanyang kaibigan sa kanilang tinitirhang bahay sa Victorias City nang inilabas nito ang kanyang baril.

Habang hawak-hawak ito, aksidente itong pumutok at tinamaan ng bala ang kanyang anak sa mukha.

Dinala pa sa sa Remedios Bantug Memorial Hospital ang bata pero idineklara nang dead-on-arrival.

Boluntaryo naman na sumuko sa mga awtoridad ang ama at haharap sa kaukulang kaso.

Facebook Comments