Batang Babae sa Echague Isabela, Nalunod!

Echague, Isabela- Nalunod ang isang batang babae matapos na maligo at maglaro kasama ang dalawang kaibigan sa ilog partikular sa Brgy. Taggapan, Echague, Isabela.

Sa naging pahayag ni Police Inspector Edgar Pagulayan, ang Deputy Chief of Police ng PNP Echague, kinilala ang bata na si Heart Angel Rivera, walong taong gulang, grade 3 at residente ng nasabing lugar.

Sinabi pa ni Police Inspector Pagulayan na alas singko ng hapon nang napagpasyahan umano ni Angel kasama ang mga kaibigan na maligo, maglaro at manguha ng tulya sa ilog.


Sa kasiyahan ng mga bata umano ay hindi napansin ng biktima na nasa malalim na bahagi na siya ng tubig at natangay ng malakas na agos ng tubig.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa natatagpuan ang katawan ng bata ngunit patuloy parin ang paghahanap ng kapulisan at mga opisyal ng barangay sa lugar.

Facebook Comments