Batang Busog Malusog o BBM program, isusulong ng bagong talagang Presidential Adviser on Poverty Alleviation

May plano na si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Atty. Larry Gadon kung paanong isusulong ang mga programang tutugon sa patuloy na kahirapan sa bansa.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Gadon na target niyang magkaroon ng programang BBM movement na nutrition at feeding program.

Kabilang aniya rito ang tatawaging Batang Busog Malusog (BBM) kung saan hinihimok niya ang malalaking negosyo na mag-ampon ng mga paaralan para sa feeding program bilang corporate social responsibility.


Sinabi pa ng kalihim, ang hakbang na ito ay sagot sa malaking problema sa edukasyon lalo na sa elementarya.

Ang tinutukoy ni Gadon ay ang pag-aaral kung saan sinasabing ang kakulangan sa nutrisyon ang dahilan kaya mahina ang mga bata sa pag-unawa sa mga leksyon.

Facebook Comments