BATANG CALASIAO, BUMIDA SA ISANG VIRAL PERFORMANCE

“Ang mga Pangasinense ay maraming Talent” – ‘yan ang nasambit ng mang-aawit na si Angeline Quinto nang malamang taga Pangasinan ang labindalawang taong gulang na si Jay-R na nag-audition para sa Idol Kids Philippines, isang singing contest.
Si Jay-R ay tubong Songkoy, Calasiao at ngayon ay bumida sa social media dahil sa kaniyang viral performance sa naturang audition.
Sa harap ng mga huradong sina Regine Velasquez, Gary Valenciano, Angeline Quinto, at Juan Karlos Labajo, buong husay na inawit ni Jay-R ang kantang Tagumpay Nating Lahat na original na inawit ni Lea Salonga.
Ayon kay Jay-R, kaya siya nagbabakasakali na sumabak maging mang aawit ay upang makatulong sa kaniyang mga magulang na sa ngayon ay pagtitinda ng mga inihaw ang pinagkakakitaan matapos mawalan ng trabaho ang amang si Wilfredo noong pandemya.
Hindi naman nabigo si Jay-R dahil “it’s a yes!” ang desisyon ng mga hurado kaya naman pasok na bilang kalahok si Jay-R sa naturang singing contest.
Bumaha naman ng pagbati para kay Jay-R mula sa mga kababayan natin dito sa Pangasinan.
Facebook Comments