Ipinamalas ng 15-anyos na si Princess Sarah Grace Pascual, tubong Dagupan City, ang kanyang galing sa larangan ng taekwondo matapos masungkit ang silver medal sa katatapos lamang na 2025 ASEAN Taekwondo Championships na ginanap noong Agosto 18-21, 2025 sa Nha Rang, Vietnam.
Dahil sa kanyang kahanga-hangang husay, napili si Pascual ng Philippine Taekwondo Association upang maging bahagi ng Junior Philippine Team. Hindi naman siya nagpahuli at agad ipinakita ang kanyang kakayahan sa isang prestihiyosong international competition.
Bukod sa kanyang mga tagumpay sa kompetisyon, aktibong kalahok din si Pascual sa grassroots sports program ng lungsod, kabilang ang libreng summer sports program kung saan ibinabahagi niya ang kanyang kaalaman sa mga mas batang atleta.
Si Princess Pascual ay isang patunay na walang pinipiling edad ang tagumpay—basta’t may sipag, dedikasyon, at pusong palaban, kayang ipagmalaki ang galing ng isang tunay na Dagupeño sa buong mundo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









