Batang edad 3 hanggang 17, pinag-aaralang isama sa pwedeng maturukan ng Sinovac vaccine – FDA

Nais amiyendahan ng Chinese drug company na Sinovac Biotech ang kanilang emergency use authorization (EUA) para sa COVID-19 vaccines.

Ito ay para magamit na rin ang bakuna sa mga batang may edad tatlo hanggang 17.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, nag-apply na ang Sinovac ng amendment para sa kanilang EUA.


Ibig sabihin ang Sinovac ay isang potensyal na bakuna na maaaring gamitin sa pediatric age group.

Sinabi ni Domingo an pinag-aaralan ng Vaccine Experts Panel (VEP) sa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST) ang proposal.

Sa ngayon, ang Sinovac vaccine ay maaari lamang iturok sa mga edad 18 anyos pataas.

Ang Pfizer-BioNtech vaccine ang pinapayagan ng FDA na iturok sa 12-anyos at pataas.

Facebook Comments