Nasa edad lima hanggang sampung taong gulang na mga bata ay madalas sobra ang timbang o yung mga overweight o obese.
Ito ay lumabas sa pag-aaral ng 2021 Expanded National Nutrition Survey ng Department of Science and Technology – Nutrition Research Institute (DOST–NRI), na kung saan 14.1 % ng mga batang nasa nabanggit na edad o school-age children.
Bukod sa family history, isa rin sa naging rason ay ang paraan ng pagkain at pisikal na aktibidad.
Kasunod nito, payo ng mga health expert na magkaroon ng regular exercise tatlong beses sa isang linggo at damihan ang ibang pisikal na aktibidad sa eskwelahan.
Maaari kasing magtutuloy-tuloy ang pagiging overweight sa kanilang pagtanda kapag hindi naagapan.
Facebook Comments