Batang iniwan ng kanyang mga magulang, binasag ang 27 taong record sa 400 meter dash elementary boys

Halos hindi na maalala ng binatilyong si Chris Ivan Domingo kung paano siya napunta sa mga kamag-anak matapos na iwan ng kanyang mga magulang.

Si Domingo lang naman ang bumasag sa 27 taong record sa 400-Meter Dash (1998) sa oras na 54.29 seconds sa elementary boys.

Ang record ay dating hawak ni Sahipa Bassal ng WVRAA o DepEd Western Visayas Region na may old record na 54.30 seconds.

Sa panayam ng RMN Manila, ang kahirapan ang pinanghuhugutan ng atleta mula sa National Capital Region (NCR) ng lakas para matupad ang kanyang pangarap.

Samantala, matapos ang kontrobersiyal na pagkatalo noong 2024 Palarong Pambansa, bumawi naman si Sep Blessee Placido ng Team NCR sa 2,000 race walk.

Sa eksklusibong panayam ng RMN Manila kay Placido, nagkaroon ng problema noong nakaraang palaro ang kanyang event na sinalihan at idineklara lamang siyang silver medalist.

Naniniwala itong nadaya siya sa nakaraang Palarong Pambansa kaya ginawa niya ang lahat para patunayang siya ang naghari noon sa sinalihang event.

Facebook Comments