Naantig ang puso ng mga netizen sa ibinahaging larawan ng isang ina kung saan magkayakap ang kaniyang dalawang anak.
Ayon kay Aundrea Smith, nagtapos ang kaniyang bunsong anak na si Charlee, limang taong gulang, ng Kinder sa isang pre-school.
Sinabi ng anak na panganay na si Derek, walong taong gulang, ang nakakabatang kapatid na “I’m just so proud of you” habang umiiyak.
Nang punasan ang mga luha, tinanong naman ng asawa ni Aundrea si Charlee, “Pumpkin, why are you crying?”
Sumagot ang bata na “I’m just so happy.” Sinabi naman ni Aundrea na “We are blessed.”
“It was such a great moment for us seeing him so moved and happy. We were like, ‘We’re not doing so bad! They love each other,” dagdag niya.
Ayon sa isang netizen, “You and your husband have raised amazing, loving and caring children. I pray their growth, their bond and live for one another continues to grow stronger and they remain close.”
Sa kasalukuyan ay mayroon itong 27,500 likes sa Instagram at 1,000 comments.